Procedures for E-Passport Renewal @ PaRC - Wafi Mall

Isang magandang balita tungkol sa pag pa-renew ng Philippine ePassport  dito sa Dubai

Meron nang PaRC ( Passport Renewal Center) sa may Wafi Mall

Ang Passport Renewal Center (PaRC) sa may Wafi Mall ay tumatanggap ng passport renewals mula sa Kabayan dito sa UAE na may hawak na Electronics Passport o ePassport. At dapat yung passport na iyan ay hindi na nangangailang ng pagbabago ng anumang detalye sa kanilang passport record.

Pangangasiwaan ng ating Philippine Consulate–Dubai ang operation ng PaRC pati na ang lahat ng application ng passport renewal na ipoproseso ayon sa schedule ng Consulate

Ang PaRC ay tumatanggap ng passport renewal application araw araw (Sunday to Saturday), simula 8AM – 8PM.

 

Paano mag renew ng e-passport sa PaRC

1)  mag fillup lang ng application form, makikita at ma-download ito sa website ng consulate www.dubaipcg.dfa.gov.ph . or gamitin ang link na ito https://dubaipcg.dfa.gov.ph/images/2018/New_ePPT_Forms/APP-FORM2-Renewal-for-adult.pdf

2)  i-print ang completed application form . At magdala din ng

      2 copy ng ePassport (data page ) ,

      residence card (emirates ID card) or visit visa

(kung ang applicant ay 17 years old and below, kinakailangang kasama niya ang isa sa mga magulang niya at ipakita ang

     proof of parental authority tulad ng Birth certificate o Report of birth

     at marriage certificate kung kasal ang mga magulang.

3) Pumunta sa Parc at i-submit ang completed application form, ePassport at iba pang mga documents at sundin lang ang mga instructions ng PaRC staff.

4) Kapag tinanggap na ng PaRC staff ang application puede nang magbayad ng

    Renewal Fee – AED 240

    Convenience Fee – AED 91.75

Pagkatapos, maari ka nang kuhanan ng Biometrics at ma-scan ang mga documents mo.

Tapos na ang application mo at wait na lang ng abiso from PaRC ng ilang araw or lingo.

5) Kapag may natanggap nang abiso from PaRC na maari nang kunin ang bagong mong ePassport, bumalik sa PaRC dala ang iyong

    ePassport (lumang ePassport)

    resibo ( renewal application)

para makuha ang iyong bagong ePassport

 

MORE info about PaRC

Address in Dubai: WAFI Mall, Level 2, Falcon, Phase 2, Umm Hurair2, Dubai, UAE

Helpline: 971 (0)4 2207100        

 

REMINDER : Maari pa ring mag-apply ng passport renewal sa Consulate at Embassy natin alinsunod pa rin sa karaniwang proseso ng pag parenew ng passport sa consulate at embassy.

 

Source: PCG Dubai

Latest Blogs

  • TGN ACTION - KITCHENAMIN : Featuring Waterfront Market

    TGN ACTION

    Bluebird & Keri Belle had a much different challenge in this episode of Kitchenamin. “Al Fresco” cooking is the name, they will prepare or cook something outdoor therefore they need to have fresh ingredients. They need fresh seafoods, meat, fruits , vegetables and many more. Watch the full video as they try to shop at Dubai’s Waterfront Market, the place where you can find all the fresh products you need.

  • THE CRAVING TRAVELER: Bali, Indonesia

    Craving Traveller

    If Bali is on your bucket list, you might want to watch this episode of #TheCravingTraveler!

  • Procedures for E-Passport Renewal @ PaRC - Wafi Mall

    Pinoy Expat Corner

    No need for an online appointment for ePassport renewal at the newly opened E-Passport Renewal Centre (PaRC) in Dubai for Filipinos. And here are the procedures .