Palamig sa Tag-araw: Rove Hotel

Yung hindi ineexpect ni Maria Maldita at Johnny Biryani na iba pala ang mae-experience nila pagpasok ng Rove Hotel Trade Center!

Pagpasok pa lang, ang bango bango na agad ng amoy, very cozy sa lobby area, ang daming activities na pwedeng gawin sa loob mismo ng hotel! 

Kung mauubusan ka ng damit na isusuot, wag mag alala at may laundry area sila!

May outdoor pool at gym din! at kung kailangan mo ng quiet place para makipag meeting, meron din!

panalo din ang room at syempre ang pagkain na AED 149 AED na good for 2-3 people na boodle fight na pwede kang pumili kung Asian o Cajun sauce!  Panalo ang experience!

Latest Blogs